Aktres, inaming nakarelasyon dati si Ted Failon!
Inamin ng aktres na si Rosanna Roces na nakarelasyon niya dati ang brodkaster na si Ted Failon.
Ito ang kanyang sinabi sa panayam niya kay Mo Twister. Si Ted Failon daw ang lalaking pinaka hindi niya makakalimutan sa lahat ng kanyang mga nakarelasyon.
Sinabi din ni Osang (palayaw ni Roces) sa kanyang interview kay Dolly Anne Carvajal na pag-ibig daw talaga ang namagitan sa kanila ng brodkaster.
“Nanligaw naman [si Ted]. Hindi basta ano, one-night stand. Hindi. Napaka-gentleman,” sabi ng aktres patungkol kay Failon.
Ngunit nilinaw ng aktres na 20 taong gulang pa lamang siya noon at bata pa.
Binanggit din ng aktres na hindi natuloy ang pag-iibigan nila ni Failon dahil nag-asawa na siya.
Comments
Post a Comment