Ito ang sagot ni Arnold Clavio sa mga rebelasyon ni Sarah Balabagan
Sa wakas ay may sagot na rin si Arnold Clavio sa mga sinabi ni Sarah Balabagan sa kanyang Facebook Live tungkol sa kanya. Matatandaan na binunyag ni Sarah sa kanyang FB live na si Arnold ang ama ng kanyang 21 year old na panganay niyang anak.
“Inaamin ko na si Arnold Clavio po yung tatay ng panganay ko pong anak. At alam ko po nagkasala po ako at saludo po ako sa kanyang maybahay, kanyang asawa, dahil nung nalaman niya ang totoo, talagang sinuportahan niya si Arnold,” sabi ni Sarah sa kanyang FB live.
Ngunit maraming netizens ang bumatikos sa kanya, at tinawag siyang “tulong salakay” sa kanyang ginawang pagbuntis kay Balabagan sa panahon kung saan siya ay mahina at walang kalaban-laban.
Binatikos din siya ng mga kilalang personalidad tulad nina Ben Tulfo, na sinabing kung nasa Amerika lang daw sila ay tanggal na sila sa trabaho, si Jay Sonza na sinabing dapat ay magpakalalaki siya at si Pastor Apollo Quiboloy, na sinabing harapin niya ang mga sinabi ni Balabagan.
May mga personalidad din namang ipinagtanggol si Arnold katulad ni Lolit Solis na sinabing lumang isyu na daw yon tungkol kay Arnold na pilit ibinabalik at dinagdag na isang mabuting tao ang sikat na brodkaster.
Isa sa mga unang pinost ni Arnold sa kanyang Instagram account matapos pumutok ang balita ay ang kanyang “hair time” o pagpapagupit sa isang barber shop, na ikinainis naman ng ilang netizens dahil tila ay umiiwas ito sa isyu.
Ngunit meron siyang isang natatanging post sa kanyang IG account pagkatapos ng rebelasyon ni Sarah Balabagan na tila ay kanyang tugon sa pasabog ni Sarah.
Pinost ng media personality ang isang video na may isang kalapati, at sinulat ang isang bible verse sa John 8:32, “And you will know the truth, and the truth will set you free.”
Ano ang masasabi niyo tungkol dito?
Comments
Post a Comment