Actor-Director, namatay na sa edad na 71

Namatay na sa edad na 71 ang dating actor-director na si Cloyd Robinson.


Binawian ng buhay ang actor-director matapos itong atakihin sa puso noong Agosto 31, 2020 nang 9:10 PM, ayon kay Pen Turqueza, kapatid ng isa sa mga talent ni Robinson na si Mel Turqueza. 


Ayon kay Pen, inatake sa puso si Robinson sa kanilang bahay ng 9:00 PM.


Ang bahay ni Pen ay nasa Silang, Cavite. Isinugod sa Carsigma Ospital sa General Mariano Alvarez, Cavite si Robinson ngunit pumanaw agad ito ng 9:10 PM o sampung minuto matapos itong atakihin, at “dead on arrival” na pagdating sa nasabing ospital.


Ilan sa mga pelikulang idinerek ni Robinson ay ang Risa Jones: Showgirl (1979), Pick-up Girls (1981) at ang Bloody Mary (1987).

Kamakailan naman ay gumanap si Robinson bilang Hector sa pelikulang Ang Mananahi na inilabas lang ngayong taon at naging nominado bilang best actor sa 5th Sorok Short Film Festival. 


Comments

Popular posts from this blog

Sharon Cuneta, hindi natupad ang kanyang pangarap na tumira sa isang “castle” dahil sa COVID-19

Ito ang sagot ni Arnold Clavio sa mga rebelasyon ni Sarah Balabagan

Aktres, inaming nakarelasyon dati si Ted Failon!