Angel Locsin, tatakbo nga bang Senador sa 2022?
Bali-balitang tatakbo daw si Angel Locsin sa pagka-senador sa 2022. Ito ay dahil na rin sa kanyang kabi-kabilang pagtulong sa mga tao nitong mga nakaraang buwan.
Nagsimula ito nang makita siyang namimigay ng donasyon sa mga evacuees nang pumutok ang bulkang Taal noong Enero hanggang sa mamataan siyang namimigay ng donasyon sa mga naapektuhan ng pandemya dulot ng COVID-19.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, mananalo si Angel kung sakaling siya ay nagdesisyong tumakbo bilang senador.
Sinabi ni Guanzon sa kanyang Twitter account ay mananalo si Angel bilang senador at nilarawan pa ang aktres na matapang, matalino at may bukal na puso.
Sinabi rin niya sa kanyang tweet na si Angel ay “Tatak Bisaya” at “Ilongga.”
“In my opinion, if Angel Locsin runs for Senator, she can win. Tatak Bisaya, Ilongga. Courageous, bright and with a sincere heart,” sabi ni Guanzon sa kanyang tweet tungkol kay Angel.
Pero tatakbo nga ba si Angel sa pagka-senador? Papatotohanan ba niya ang kanyang pagiging Darna sa larangan ng pulitika?
Sinabi niya sa isang interview sa PEP noong May 1, 2020 ay wala siyang planong maging isang pulitiko.
Comments
Post a Comment