Dating sikat na komedyante, isinugod sa ospital! Humihingi ng tulong pinansyal para sa kanyang sakit

Isinugod sa ospital kamakailan ang komedyante na si Caloy “Ogag” Alde dahil sa kanyang karamdaman sa puso. 


Ito ang ibinahagi ng isang ring komedyante at kasamahan sa industriya na si Gene Padilla sa kanyang Facebook account.


Sa post ni Padilla, humihingi sila ng tulong pinansyal para kay Caloy dahil isinugod ito sa Commonwealth Hospital and Medical Center dahil sa kanyang karamdaman.


Ayon kay Padilla, bukod sa dumaranas si Caloy ng panlalaki ng puso ay nakitang meron pa itong tubig sa kanyang baga. 


Sa ngayon ay pinauwi na si Caloy mula sa ospital hindi lamang dahil sa kakulangang pinansyal kung hindi dahil na rin kulang ang “isolation room” sa ospital, ayon sa kanyang maybahay na si Rhoda Porral-Alde, na siyang nag-aalaga sa komedyante.


Si Caloy “Ogag” Alde ay tinaguriang “Mr. Bean” ng Pilipinas na sumikat noong 90’s. Ngunit kinalaunan ay humina ang kanyang career at napilitang magbukas ng sari-sari store at magtinda ng barbeque upang mabuhay.


Comments

Popular posts from this blog

Sharon Cuneta, hindi natupad ang kanyang pangarap na tumira sa isang “castle” dahil sa COVID-19

Ito ang sagot ni Arnold Clavio sa mga rebelasyon ni Sarah Balabagan

Aktres, inaming nakarelasyon dati si Ted Failon!