Isang sikat na brodkaster, sinabihang “bobo” ang kanyang online basher!

Sa kanyang Instagram account, sinabihan ng brodkaster at media personality na si Korina Sanchez ang isa sa mga nagcomment sa kanyang IG post ng “bobo.”


Sinabi ng online basher kay Korina sa isa sa kanyang mga post na sobra daw ang pagkaka-edit nito sa larawan ng kanyang asawa na si Mar Roxas.


Ang post na tinutukoy ay ang larawan ni Mar Roxas na makikitang nakikipagbonding sa kanilang mga anak na si Pepe at Pilar.


Sinabi nito na “Grabee naman maka edit nag mukha na cya ni pres obama haha.”


Ngunit agad itong sinagot ni Korina, na kilalang nagpapaulan ng mga maaanghang na salita sa mga nagcocomment ng negatibo sa kanyang mga Instagram posts. 


Sinabi ni Korina, “What the hell are you talking about!? Bobo mo naman magtroll! Get lost idiot!”


Dinelete na ni Korina ang naturang komento sa kanyang basher.


Comments

Popular posts from this blog

Sharon Cuneta, hindi natupad ang kanyang pangarap na tumira sa isang “castle” dahil sa COVID-19

Ito ang sagot ni Arnold Clavio sa mga rebelasyon ni Sarah Balabagan

Aktres, inaming nakarelasyon dati si Ted Failon!