Nikko Natividad nawalan ng 4M dahil sa investment scam

Inamin ng member ng Hashtag na si Nikko Natividad kamakailan lang na naging biktima siya ng isang investment scam. Ginawa niya ito pagkatapos mahuli ng National Bureau of Investigation o NBI ang babae na nasa likod ng nasabing scam. 


Sa kanyang Instagram post, pinakita ni Nikko ang isang video galing sa TV Patrol kung saan makikita ang pagaresto ng NBI Anti-Organized Task Force sa isang nagngangalang Sha Punzalan at isa pang kasamahan na nasa likod ng scam sa isang entrapment operation sa Malate, Manila.


Kasabay ng pagamin ni Nikko na isa siya sa mga biktima ni Punzalan, sinabi rin niya na binahagi niya ito para na rin sa kaalaman ng ibang tao para hindi na ito mangyari sa kanila.


Sinabi din niya sa naturang post na nagkakahalang 4 milyon piso ang nawala sa kanya sa scam at nakaranas siya ng depression dahil dito.


Narito ang Instagram post ni Nikko ukol sa nangyari:


“Hindi ko na kayang manahimik. Isa ako sa mga nag invest at na scam dito. Alam ko mas galit pa ang mga tao samen kesa sa ng scam na kesyo baket kasi kame naghahangad ng malaking pera. (Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namen)


Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala ng maloko pa kagaya ng ganito. Napaka saket sakin at sameng mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinagipunan sa isag iglap lang.


Sobra sobrang depression binigay nito saken. Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugot pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala.


Hindi nako umaasa na mabawi pa yung pera na nakuha nya samen dahil alam ko na wala yung pera. Hustisya na bahala sayo.


Nawalan man kami ni cielo ng pera Hindi naman kame nawalan ng pangarap at inspirasyon para magpatuloy. Masaket dahil walang wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko. Hindi namen kasalanan na nagtiwala. Kasalanan NYA na niloko nya ang mga tao na nagtiwala sakanya.”





Comments

Popular posts from this blog

Sharon Cuneta, hindi natupad ang kanyang pangarap na tumira sa isang “castle” dahil sa COVID-19

Ito ang sagot ni Arnold Clavio sa mga rebelasyon ni Sarah Balabagan

Aktres, inaming nakarelasyon dati si Ted Failon!